People’s Economy
Internal Reforms - Ito ay binubuo ng serye ng mga programa tungo sa isang Sangguniang mabisa sa pagtupad ng mga mandato nito sa pamamagitan ng mga repormang panloob. Ilan sa mga programa sa ilalim nito ay ang mga sumusunod:
- Pagpapalakas ng data gathering efforts ng Sanggunian sa pamamagitan ng pagpapaibayo ng onsite data collection strategies.
- Pagpapaigting ng onsite presence at processes ng Sanggunian upang mas ramdam ito sa pamamagitan ng mga programa tulad ng pagtatatag ng isang weekly Onsite Sanggunian Helpdesk, paggamit ng onsite Student's Needs Checks, at iba pa.
- Pagpapaigting ng planning at evaluation processes ng Sanggunian at pagpapayaman ng mga ito sa pamamagitan ng aktibong pagggamit ng data sa pagplaplano para sa mga programa sa loob ng semestre.
- Pagtatatag ng isang Sanggunian Performance Appraisal system bilang batayan upang mapagbuti pa ang mga panloob na sistema ng Sanggunian sa pamamagitan ng pagco-collate at isahang pagproproseso ng lahat ng evaluations ng Sanggunian sa loob ng partikular na period.
- Paglilinaw ng Absence Without Leave (AWOL) at Termination protocols ng Sanggunian upang mapalakas ang 'member accountability.'
- Pagpapatibay ng koordinasyon sa pagitan ng School at Central Sanggunians at paglilipat ng ilang internal processes sa School Sanggus upang mas mapapaspas ang mga prosesong ito.
- Pagpapabilis ng paghahanda ng Sanggunian projects sa pamamagitan ng paglalatag ng konkretong project management procedures at pagcocompile ng mga resources na makatutulong dito.
Vibrant Memberships - Ito ay serye ng mga programang nakatuon sa pagsisigurong ligtas at empatiko ang working environment sa loob ng Sanggunian kung saan malawak ang oportunidad ng mga miyembro na maitodo ang kanilang mga adhikain at potensyal. Ilan sa mga programa sa ilalim nito ay ang mga sumusunod:
- Pagsisiguro ng 'safe spaces' sa loob ng Sanggunian sa pamamagitan ng pagpapaigting ng monitoring ng posibleng safe spaces violations at paglalatag ng konkretong framework sa paghawak ng gayong mga violations.
- Pagtitiyak na maayos na naintegrate sa Sanggunian ang lahat ng mga miyembro nito sa pamamagitan ng pagpapaigting at pagdaragdag ng rapport-building activities tulad ng Welcoming Week, Teambuildings, atbp., at pagbabago ng tuon ng Sanggunian Family System tungo sa isang integrative support system para sa Sanggunian members.
- Pagpapatibay ng advocacy formation para sa mga miyembro ng Sanggunian sa pamamagitan ng pagpapatuloy at pagpapalakas ng Leadership Dev't programs tulad ng Sanggunian Leadership Journey Program, at pagsasakonteksto nito sa indibidwal na mga opisina ng Sanggunian.
- Pagpapalawak ng mga Bureaucracy Familiarization Programs ng Sanggunian sa pagmamagitan ng pagpapaaga nito, pagbubukas nito pati sa mga Sectoral members, at pagsasagawa ng 'specialized' versions nito (hal. hiwa-hiwalay na HR, Finance, Admin atpb. Bureaucracy Familiarization Programs).
- Pagpapalakas ng kasalukuyang member welfare programs tulad ng random check-in ICs, bonding programs, Finals Care Packages, atpb.
- Pagpapasa ng 'Sanggunian Healthy Working Environment Act' na maglalatag ng lahat ng internal Safe Spaces at klarong working boundaries sa loob ng Sanggunian.
- Pagtatalaga ng isang HR Officer sa kada yunit ng Sanggunian upang asistihan ang mga yunit head sa pangangalaga sa internal dynamics sa loob ng kanila mga yunit.
Enhanced transparency, accountability, and rule of law - Ito ay serye ng mga programang naglalayong siguruhing 'transparent', 'accountable', at mahigpit na sumusunod sa batas ang Sanggunian sa lahat ng mga aktibidad nito. Ilan sa mga programa sa ilalim nito ay ang mga sumusunod:
- Pagco-compile ng isang Student' Sanggu Guide na naglalaman ng lahat ng programa ng Sanggunian na maaaring gamitin ng mga mag-aaral, paano sila magagamit, atpb. mahalagang impormasyong tungkol sa Sanggunian.
- Pagtutulak na isama sa INTACT modules ang Sanggunian leadership opportunities, systems, at services.
- Pagpapatibay ng internal transparency sa pamamagitan ng pagpapalawak ng Sanggunian Blueboard System gaya na ng pagsasama ng Facebook sa sistemang ito at paglalabas ng weekly Sanggunian Calendar.
- Pagpapalakas ng external transparency sa pamamagitan ng buwanang mandatory public progress reports, automatic na paglalabas ng mga dokumento, 'dealings', detalye ng mga miting, at iba pang mga impormasyon mula sa Sanggunian, live budget use tracker, mahigpit na pagpapatupad ng Sanggu Freedom of Information Act, at iba pang mga programa.
- Pagsususog ng Sabihin sa Sanggunian (SSS) tungo sa pagiging isang sentralisadong plataporma para magsabi ng mga hinaing at aalahanin sa Sanggunian at pagtatatag ng isang Sabihin sa Sanggunian Online Tracker kung saan kayang subaybayang direkta ng mga mag-aaral ang status ng kanilang mga pinadalang complaints sa SSS.
- Pagpapaigting ng accountablility processes sa loob ng Sanggunian sa pamamagitan ng paglalatag ng isang 'comprehensive framework of cooperation' sa pagitan ng Sanggunian at ng Independent Arms tulad ng Ombudsman, SJC, at ACoA, at pasisigurong hindi kayang makialam ng Sanggunian sa mga 'accountability institutions' na mga ito.
- Pagtatag ng semi-autonomous na Legal Affairs Unit sa loob ng Sanggunian upang bantayan ang internal compliance ng Sanggunian sa mga batas nito, tumulong sa pagpapatupad at paglalatag ng mga regulasyon para sa mga naipasang batas ng Central Assembly (CA), at iba pa.
Relevant and responsive policymaking - Ito ay serye ng mga programa tungo sa isang Sanggunian na nakaangkla ang mga polisiya't desisyon sa pangangailangan, hangad, at lunggati ng mga Atenista't kapwa nating Pilipino mula sa iba't ibang mga sektor.
- Pagtatatag ng mga pundasyon para sa pagsasagawa ng isang One Big Fair, isang advocacy-based na perya na bukas sa publiko at binubuo ng mga concerts, events, rides, at iba pang gimmicks na nakatuon sa pagpapalawak ng kamalayan tungkol sa mga adbokasiya ng iba't ibang mga sektor dito sa pamantasan at labas, at upang mapagyaman ang campus culture ng unibersidad.
- Pagpapasa ng masaklaw na Sectoral Reform Bill upang mapalakas ang mga sektor sa pamamagitan ng karagdagang awtonomiya at pondo upang mas marami silang maipatupad na mga programa.
- Pagpapaigting ng pakikilahok ng mga under o unrepresented sectors sa loob ng Central Assembly tulad ng LGBTQIA+, commuters, off-campus dormers, atpb., sa pamamagitan ng aktibong pakikipagtulungan at konsultasyon sa kanilang mga sektor sa paglikha ng mga polisiya sa Sanggunian.
- Aktibong pakikipagtulungan sa mga under o unrepresented sectors na i-organisa at i-accredit ang kanilang mga sektor upang opisyal silang magkaroon ng sariling pondo't kinatawan sa Central Assembly, o 'di kaya'y aktibong suporta sa mga organisasyong pangmag-aaral na kumakatawan ng isang sektor.
- Aktibong pagsasama at pakikinig sa mga non-student Ateneo stakeholders tulad ng mga manggagawa, faculty, atpb, sa mga diskusyon sa Central Assembly.
- Aktibong pagtulong sa Scholars' Sector na pamamagitan ng pagpapapaspas ng pagpapasa ng mga batas na malapit sa mga iskolar tulad ng pagdaragdag ng service hours opportunities sa loob ng Sanggunian, pagpapalawak ng subsidy programs, at posibleng pagpopondo ng Sanggunian ng karagdagang food stubs para sa mga iskolar.
- Pagpapatibay na koordinasyon kasama ang COA-M at LIONS upang aktibong maisama ang mga student organizations sa paglikha ng mga polisiya ng Sanggunian at upang mas makapagbigay ang Sanggunian ng tulong sa mga umuusbong pa lamang ng mga organisasyon.
- Pagsasabatas ng isang permanenteng Commission on Sustainable Mobility upang maging pangunahing yunit ng Sanggunian na nakatuon sa admin-initiated campus projects.
- Pagtutulak sa Central Assembly at buong Sanggunian na mas maging aktibo sa pambansa at lokal na mga diskurso't isyung politikal lalo na't paparating na ang 2025 Midterm Elections sa pamamagitan ng posibleng endorsements, voter registration drives, forums, mock polls, atpb.
- Pakikipagtulungan sa mga organisasyong sosyopolitikal at legal sa pagpapanday ng mga polisiya ng Sanggunian at aktibong pagtutulak para sa pambansa at lokal na mga progresibong batas at polisiya.
- Pagsasagawa ng Student Needs Survey kada semestre bilang basehan ng pagbibigay-prayoridad sa paglikha't pagpapanday ng mga polisiya at isang Sanggunian Semestral Legislative Calendar.
- Pagtatakda ng minimum na dalawang Central Assembly Sessions kada buwan at pagtatakda sa isa sa mga sesyon na ito bilang CA Open Sessions---pampublikong hearings bukas sa lahat ng Atenistang nais magtanong sa kanilang mga kinatawan.
- Pagpapalawig ng responsibilidad ng mga Course Representatives sa pamamagitan ng aktibong tulong mula sa OVP sa pagtatatag ng kanilang mga School Assembly, pagpapalinaw ng kanilang mga mandato, at pagpapaigting ng kanilang pagtulong sa pagresolba sa mga lokal na mga hinaing.
Mapapansing ang lahat ng mga programang ito ay nakatuon sa layuning maging mas ramdam at aktibo ang Sanggunian upang magkaroon muli ng tiwala ang ating mga kapuwa mag-aaral dito.