Painitin na natin ang gabi: Magtirik ka na ng kandila at hayaang sumirit ang puting luha—mula sa rurok, hanggang manumbalik sa lupa at kumalat ang kaniyang binhi. Sa unting hudyat, muling tutubo mula sa namuong ugat ang naninigas na tangkay. Huhuni ang ibon at uungol ang unggoy kasabay ng pagsibol at pagkapundi ng apoy. At kapag naubusan ka na ng hininga, ipanalangin mo sa mga umaaligid na kaluluwa ang ating ligtas na pagdating sa paroroonan. Mag-iwan ka ng bulaklak bago lumisan dito sa puntod kung saan nakahimlay ang ating libog: In Loving Memory of Trans Desire