MATANGLAWIN
Matalastas
Matalita
Mata Online
Video Content
Mga Isyu
Tungkol sa Pahayagan
MATANGLAWIN
Matalastas
Matalita
Mata Online
Video Content
Mga Isyu
Tungkol sa Pahayagan
Matalastas
Magaan at impormal na gawa ukol sa mga napapanahong isyu at kwento na matatagpuan sa loob at labas ng pamantasan. Ang mga matalastas ay magaan at impormal na gawa ukol sa mga napapanahong isyu at kwento na matatagpuan sa loob at labas ng pamantasan.
Tampok na Matalastas
Enlistment Legends
Your mission: Push Towers and Secure Your Class Schedule!
Hulyo 9, 2025
Sa Kahon ng Bahaghari
Hulyo 2, 2025
Hindi teleserye ang buhay ng tao: Patikim sa realidad ng pulpolitikang Pilipino
Mayo 13, 2025
Lahat ng Matalastas
Enlistment Legends
Your mission: Push Towers and Secure Your Class Schedule!
Hulyo 9, 2025
layla lang malakas
Sa Kahon ng Bahaghari
Tuwing Hunyo, makikita ang makulay na bahagharing nakapintura sa kalsada, nakapaskil sa poste, nakasabit sa pader, at sa marami pang sulok ng bansa. Ito ay dahil ang nasabing buwan ay tinagurian ding “pride month”—panahon kung kailan nararamdaman nang husto ang queer pride na siyang paraan ng pagpapahayag ng kasarian, kultura, at tunay na sarili ng LGBTQIA+. Higit pa rito, sa pride month din ipinaglalaban ng komunidad ang pagiging malaya mula sa pang-aapi ng lipunan. Ngunit, sa likod ng makulay na bandilang kanilang iwinawagayway upang isigaw ang pagiging malaya mula sa mapagkahon at heteronormatibong lipunan, may pagkakahon ding nagaganap sa loob mismo ng komunidad na kanilang kinabibilangan.
Hulyo 2, 2025
Daryll Ledonio
Hindi teleserye ang buhay ng tao: Patikim sa realidad ng pulpolitikang Pilipino
Ang mundo ay isang malaking entablado at may kakayahan tayong baguhin ang agos ng kwento. Ngunit sa mabilis na daloy ng panahon at sa dinami-rami ng personalidad na umuusbong, nasaan ang hangganan ng realidad at pantasismo sa lipunang puno ng pagkamanhid? Ito ang hamon na iniiwan sa atin ng Ateneo ENterteynment para sa TAo, Bayan, LAnsangan, at DiyOs (ENTABLADO) sa kanilang panibagong handog na hango sa totoong lakad ng buhay—ang dulang “Personalitika”.
Mayo 13, 2025
Louise Anne M. Moloa
Am I Pinoy Nga Ba?
When I was a kid, I was an Englishero kaya people thought I was American. Kuwento nga sa akin ni Mama, English was my first language. I was so mahina in Tagalog, at hirap na hirap ako noong elementary tuwing Filipino at Araling Panlipunan ang subject. Laging mababa ang scores ko noon, pero laging mataas ang grades ko sa Reading at Language. Ang ironic, hindi ba?
Marso 15, 2025
Jules Aranjuez
Uuwing Talunan o Ulila sa Kapaskuhan?
May daratnan pa ba ang aking pananabik na makauwi ngayong Pasko at makasama ang aking pamilya?
Disyembre 21, 2024
Ivan Andrei U. Guiamal
Louise Anne M. Moloa
Sana Patay Na Lang Sila
Tuwing Undas, nakikita natin ang pagmamahal sa pamilya, Ang iba ay siyang umiiyak at nagluluksa, May iba rin namang may dalang magagarbong bulaklak at kandila. Bitbit ang mga malinamnam at masasarap na handa, Magsasama muli ang pamilya– buhay man o patay na.
Nobyembre 25, 2024
Princess Grace S. Escuro
Pasilip sa Tahanan ng Aking Ama: Dula ng Madilim na Epekto ng Giyera
“War turns us into animals—” ito ang isa sa mga kataga ni Kapitan Haroda na tumatak marahil sa madla. Sa panahon ng digmaan, makikita ang tunay na kulay ng bawat tao, ang kanilang paninindigan, at ang tunay na sukatan ng integridad — mga elementong siyang sentro ng dulang “Sa Tahanan ng Aking Ama.”
Oktubre 31, 2024
Renzie Grace A. Venturozo
Labs kita, ukay na ba?
Sa mamimili naman, ito ang pinakaligtas na paraan ng pagbili dahil maliit o walang pisikal na kontak ang kinakailangan sa pakikipagsalamuha para mabuhay ang ganitong uri ng merkado.
Oktubre 15, 2024
Carissa Gem M. Alonso
Anya U. Ungson
VIA Wurtzbach ang Peg?! Beautiful Flowers with a Heart
Nakapagparinig ka na ba sa crush, jowa, o sa isang kaibigan mo na sana makatanggap ng bulaklak ngayong panahon na naman ng Valentines in August?
Setyembre 16, 2024
Stephanie Marie T. Isidro
Pusok sa Pusod ng Tsokolate
Sa karimlan ng bulubulurang tsokolate’y isang pusok ang tinapik,
Abril 5, 2024
Jhazzel Timothy Dumlao
Pero, ano ba tayo?
Nananahimik ang damdamin ko sa sulok ng kwarto, Bigla kang dumating, “Hello!,” pag-aalangang sambit mo, Sa pag-ikot ng mundo, sa bilis ng takbo Biruin mo ‘yon, nagkatagpo pa tayo?
Pebrero 27, 2024
Rasheed Albel
Politikal ang Pasko
Hapag ay umaapaw sa Noche Buena
Disyembre 23, 2023
Calixto III T Del Rosario
Raining In Criticisms
Noong ika-24 ng Oktubre, naglabas ng teaser ang sikat na OPM banda na Lola Amour para sa kanilang patok na kantang ‘Raining in Manila’. Subalit, ‘di gaya ng puri at adorasyon na natanggap ng kanta, ang teaser ay nakatanggap ng mga negatibong komento mula sa netizens. Ang teaser ay pinakita ang mga miyembro ng banda na kumakanta habang nakasakay sa isang bangka habang bumabaha sa Maynila. Ilan sa mga netizens ang nagsabi na niro-romanticize nito ang kahirapan at pinupuri ang Filipino resilience na madalas ginagamit upang bigyang-katwiran ang kakulangan ng responsibilidad ng mga namumuno.
Nobyembre 11, 2023
Carissa Gem M. Alonso
Pahayag ng Confederation of Publications sa Ika-51 Taong Anibersaryo ng Batas Militar
Patuloy na tumitindig ang Confederation of Publications (COP) ng Pamantasang Ateneo de Manila (HEIGHTS Ateneo, Matanglawin Ateneo, at The GUIDON) laban sa malawakang pagbabaluktot sa kasaysayan at sapilitang pagtanggi sa mga karahasan at inhustisyang idinulot ng Batas Militar. Ang hindi paglimot sa kasamaan, katiwalian, at karahasan ay malinaw na pagtutol sa kasalatan sa pagkilala sa mga alaala ng Batas Militar.
Setyembre 21, 2023
Matanglawin Ateneo
“Isa-Dalawa-Tatlo… Nawantutri Tayo!”: Mimesis ng Lipunan
Hanggang kailan tayo papayag na babuyin ng mga nasa posisyon? Hanggang saan ang hangganan ng ating pagpikit sa pananamantalang ginagawa sa ating mga mamamayan? Ito ang mga palaisipan at konseptong inihayag ng produksyong “Isa-Dalawa-Tatlo… Nawantutri Tayo!” ng Ateneo ENTABLADO, sa direksyon ni Jerome D. Ignacio, na buong tapang na tumalakay sa mga mahahalagang isyu na lumason sa lipunan sa mga nagdaang administrasyon. Ito ay binubuo ng trilohiya ng mga dulang pinamagatang “Punks Not Dead”, “Indigo Child”, at “Kung Paano ako Naging Miss Fiesta Golden Sunshine Barangay San Marinos” na siyang sumiwalat ng magkakaibang isyu.
Mayo 5, 2023
Dana Mikaela Palad
Mga Kuwento ng Pakikibaka at Pagpupunyagi sa Delubyo ng Batas Militar
Bilang bahagi ng paggunita at pakikiisa ng unibersidad sa ika-50 na anibersaryo ng Batas Militar, inorganisa ng Loyola House of Studies Social Action and Political Involvement ang #NeverAgain: The Stories of Martial Law Survivors noong Setyembre 23, 2022 kasama ang Matanglawin Ateneo at Loyola School of Theology Student Committee on Social Involvement, Advocacy, and Outreach.
Oktubre 5, 2022
Phoebe De Leon
Therese Catapang
SkW1D GheyMsZz sa Mayo 2022
Sa pagtatapos ng itinakdang deadline ng Commission on Entertainment, Circus and Comedy Bars (COMONECC) sa paghahain ng mga substitution at withdrawal ng certificate of candidacy (CoC) para sa HaLOLan 2022, pormal nang sinisimulan ang pagdaraos ng pambansang SkW1D GheyMsZz na magtatagal hanggang sa susunod na anim na buwan. Masasaksihan ng buong sambayanan ang isang madugong labanan sa pagitan ng mga manlalarong may iisang nais na mapanalunan: ang pinakamataas na posisyon ng kapangyarihan sa Pilipinas. At kagaya ng popular na hudyat ng malaking manika sa Pinoyflix series, isang maingay na pahiwatig ng pagsisimula ang inihatid ng nakaraang dramarama ng Panggulo at mga kaalyado nito sa mga huling araw ng filing. Ngayon, malinaw at tiyak na para sa lahat ang mga manlalaro sa paligsahan at ang mga linyang kanilang pinanggagalingan. Samantalang para sa ating mga hamak na VIP na nagmamasid, nasa ating mga kamay na ang pagpusta at kalauna’y pagpili kung sino sa kanila ang mananaig.
Nobyembre 29, 2021
Apollo Quibs
National Campus Press Freedom Day: Isang paggunita at pag-alala sa pinaglalaban na kalayaan
Noong nakaraang linggo, ilang masasalimuot na balita ang kumalat sa social media, internet, at radyo. Araw-araw tayong nilulunod ng libo-libong bilang ng mga taong nagpositibo sa COVID-19. Bukod dito, napuspos din tayo sa pagsugpo ng galit ng mga tao’t grupo ukol sa pagtanggi ng Kapulungan ng Kinatawan ng Pilipinas (HRep) sa pagpapanibago ng prankisya ng ABS-CBN, at sa nakalulubag-damdaming pagsasakatuparan sa Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020.
Hulyo 25, 2020
Trice Flores
Para maging ‘ASWANG’ AT MGA DUKHA: Ang Lagim ng Giyera Kontra Droga
Totoo ang mga kuwento at haka-hakang umiikot sa pag-iral ng mga aswang. Sila ang mga nilalang na walang awang nananakot at pumapatay sa mga taong walang kalaban-laban. Sila ang mga umaaligid sa mga bahay, tumitiktik, at naghahanap ng mga mabibiktima. Walang silang sinasanto, wala silang pinapatawad. Higit sa lahat, kadalasan nilang pinupuntirya ang maralita—ang mga walang boses at kapangyarihan upang ipagtanggol ang sarili.
Hulyo 19, 2020
Angela Lee
Sa Mga Mata ng “The Kingmaker”: Iba’t Ibang Mukha ng Katotohanan
Masakit ang mawalan ng ina sa murang edad. Masakit ang mapatalsik sa sariling lupa dahil sa kagusutuhan ng first lady ng bansa mo na magkaroon ng mga hayop mula Aprika na manirahan sa lupa mo. Masakit ang mabiktima ng isang kapwa Pilipino sa ilalim ng diktadura ng pangulong dapat pinoprotektahan ka. Masakit ang pag-ulit ng siklo at madaling pagkalimot ng mga Pilipino sa ginawa ng diktadura ni Marcos at ng kanyang asawang si Imelda.
Pebrero 20, 2020
Eala Nolasco
Unli Rice: Bawat Butil ay Buhay
Magtanim ay ‘di biro. Maghapong nakayuko. Hindi man lang makatayo. Hindi man lang makaupo. Sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Init na nanunuot at tagos sa katawan. Uhaw man ang tigang na lupa, walang magagawa dahil ang bawat butil ay buhay. Kung walang itinanim, walang aanihin.
Enero 2020
Peter Garnace
LAKBAYAN 2017: Ang Pambansang Minorya sa Kalunsuran
Sa kasaysayan ng Pilipinas, walang iba kung hindi ang mga katutubong Pilipino ang lumaban sa mga Kastilang manlulupig. Nag-alay sila ng dugo para protektahan ang sariling atin. Ilang daang taon ang nakalilipas, malaki na ang ipinagbago ng bansa. Mula sa malalaking minahan at agrikorporasyon hanggang sa paraan ng pamumuhay, maraming aspekto sa buhay ng katutubo ang nagbago sa pagdaan ng panahon. Ngunit sa kabila ng lahat, patuloy pa rin ang mga katutubo sa pagpepreserba sa kayamanan, kultura at tradisyon ng Pilipinas.
Matt Rodriguez
Ang Kalagayan ng mga Lumad sa Panahon ni Duterte
Mariing na kinundena ni Duterte ang pagpapabaya ng administrasyong Aquino sa karapatang pantao ng mga Lumad. Sa anim na taong termino ni Aquino, may naitalang 102 na Lumad ang pinaslang. Matapos ang mga sunod-sunod na pagpatay ng mga paramilitary groups sa mga napaslang na mga guro at lider ng mga lumad, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte bago mag-eleksyon na ipagtatanggol niya ang karapatan ng mga katutubong lumad na kapuwa niyang taga-Mindanao.
Rainier Bahaghari
Ang Hamon sa Pagtayo
Kahit saan ka man mapunta sa Maynila, hindi maiiwasang makakita ng kung anu-anomang gawain sa kalye. Ramdam ito sa pagtagal ng biyahe dahil sa pagsara ng mga daanan. Sa pagtayo ng mga nagtataginting na mga gusali at naglalakihang mga imprastraktura dahil sa proyektong “Build, Build, Build” ng administrasyong Duterte, hindi matitigilan ang sarili na mapatingin sa mga sirang mga kalye na nadadaanan at mga kanal na binungkal para ayusin na kahit kailan man ay hindi naaayos. Kung nakakayanan ang ganito kalalaking mga inisyatibo, bakit naiiwanang nakatengga ang mga simpleng proyekto?
Jean Mangaluz
Ang Teatro sa Politika
“Lights, kamera, aksyon!” ang sigaw ng direktor sa isang set ng pelikula. Ang proseso ng paglikha ng isang pelikula o teleserye ay mahaba at nangangailangan ng malikhaing mata upang makapagpasaya at makapagpaaliw sa mga manonood at madalas naman, nagtatagumpay sila dito. Dahil sa katanyagan ng mga pelikula at teleserye sa buhay natin, nasasanay tayo sa mga iba’t-ibang makikinis at mapuputing mga tagapagganap. Napapamahal na sa atin ang mga nakikitang mukha sa telebisyon o sinehan. Kung may promotion naman ang artista na yun para sa bago nilang proyekto, todo naman ang pagtangkilik natin sa kanila. Paano naman kung isang araw, makikita mo na lang na nakabalandara ang mukha nila sa labas kung saan-saan, ngunit hindi na proyekto ang gusto nilang tangkilikin natin, kung hindi ang pagtakbo na nila sa gobyerno?
Jean Mangaluz
Marcos, Aquino at ang Oligarkiya: Nasaan ang Sambayanan?
Kapag sinabing Batas Militar sa Pilipinas, madalas na naaalala ng mga tao ang tunggaliang Marcos vs Aquino. Kanino ba tayo, kay Ninoy o kay Makoy? Ngunit sa kanila nga ba talaga umiikot ang pakikibaka para sa tunay na kalayaan noong panahon ng diktatura ni Marcos?
Stephany Esguerra
IBA PA
Matalastas