Mariing na kinundena ni Duterte ang pagpapabaya ng administrasyong Aquino sa karapatang pantao ng mga Lumad. Sa anim na taong termino ni Aquino, may naitalang 102 na Lumad ang pinaslang. Matapos ang mga sunod-sunod na pagpatay ng mga paramilitary groups sa mga napaslang na mga guro at lider ng mga lumad, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte bago mag-eleksyon na ipagtatanggol niya ang karapatan ng mga katutubong lumad na kapuwa niyang taga-Mindanao.