-3(1).png)
Pinangalanan ng International Criminal Court (ICC) sina Senador Ronald “Bato” dela Rosa, Christopher Lawrence “Bong” Go, at anim pang personalidad bilang “co-perpetrators” o mga kasangkot sa naging madugong giyera kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ibinunyag sa inihain na Document Containing Charges (DCC) ng Office of the Prosecutor kagabi, ika-13 ng Pebrero, ang mga pangalang nakatakip sa naunang bersyon ng dokumento na inilabas ng ICC noong Setyembre. Nakapaloob sa dating dokumento ang detalyadong paglalahad ng tatlong bilang ng crimes against humanity na kinahaharap ni Duterte na may kaugnayan sa mga alegasyon ng pagpaslang.
Maalalang hindi pa namamataan si Dela Rosa sa publiko at sa Senado mula nang banggitin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang umano’y ICC warrant laban sa senador.
Ini-uugnay si Duterte at ang walong iba pang indibidwal sa pagkakaroon ng “iisang plano o kasunduan upang ‘i-neutralisa’ ang mga pinaghihinalaang kriminal sa Pilipinas (kabilang ang mga itinuturing o pinaghihinalaang may kaugnayan sa paggamit, pagbebenta, o paggawa ng droga) sa pamamagitan ng mararahas na krimen.
“At least between 1 November 2011 and 16 March 2019, Duterte and his co-perpetrators shared a common plan or agreement to ‘neutralise’ alleged criminals in the Philippines (including those perceived or alleged to be associated with drug use, sale or production) through violent crimes including murder (“Common Plan”),” ayon sa Office of the Prosecutor.
Pinangalanan ng ICC ang mga dating pulis at mataas na opisyal mula sa Davao at iba pang ahensya na sina Vicente Danao, Camilo Cascolan, Oscar Albayalde, Dante Gierran, Isidro Lapeña, at Vitaliano Aguirre II, na may direktang kinalaman sa naturang “common plan.”
‘Common Plan’
Sangkot ang dating pangulo sa 49 na insidente ng pagpaslang kung saan 78 ang biktima, mula sa panahon ng Davao Death Squad (DDS) noong siya ay alkalde at sa kampanya kontra droga ng kaniyang administrasyon.
Isinalaysay sa dokumento kung paano ginamit ni Duterte, Go, Dela Rosa at ng mga pinangalanang opisyal ang mga pulis ng Davao City, gayundin ang mga non-police hitmen, upang patayin ang kanilang mga pinaghihinalaang kriminal.
“The handlers reported to a combination of police and co-perpetrators (in particular, Dela Rosa (2012-2013), Danao (2013-2016), Sonny Buenaventura (police officer and Duterte’s driver and bodyguard), and Bong Go), who in turn reported to Duterte. Duterte’s approval was required for DDS members to conduct killings in Davao City,” saad ng Office of the Prosecutor.
Dagdag pa nito, ginamit nina Duterte at ng kaniyang mga kasabwat ang DDS, kabilang ang mga mababang ranggong miyembro, bilang kasangkapan upang maisagawa ang mga krimeng saklaw ng Common Plan, habang ang mga hindi sumusunod sa utos ay nanganganib mapatay o alisin kapag itinuturing na hadlang o banta sa plano.
Sa kasalukuyan, nakatakdang suriin ng Pre-Trial Chamber ang magiging pag-usad ng paglilitis. Gaganapin ang pagdinig para sa kumpirmasyon ng mga kaso laban kay Duterte sa darating na ika-23 ng Pebrero matapos ideklara ng ICC na nasa wastong kondisyon ang dating pangulo upang humarap sa pre-trial proceedings.

.png)
-3.png)
(1).png)
.png)
(1).png)
.png)


.jpg)





.png)
-2(1).png)
