.png)
PAUNAWA: SENSITIBONG BALITA
Hustisya ang panawagan ng El Consejo Atenista (ECA), kasama ang iba pang organisasyong pangmag-aaral sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU), kasunod ng pagkasawi ng dalawang estudyante sa naging pamamaril sa naturang pamantasan ngayong umaga, ika-18 ng Agosto.
Ayon sa ulat, isang estudyante sa ikapitong baitang ang namaril sa kapwa estudyante habang tinangka rin nitong barilin ang isang guro bago nito kinitil ang sariling buhay.
Mariing kinondena ng mga organisasyon ang pamamaril at iba pang anyo ng karahasan sa loob ng paaralan. “At a time when students should be able to learn, grow, and build their futures in a safe and nurturing environment, no student should have to experience violence, fear, or the trauma brought by such an incident,” giit ng ECA sa kanilang magkasanib na pahayag.
Binigyang-diin din sa pahayag na dapat pairalin ang tamang proseso sa paghahanap ng pananagutan at katarungan, sa halip na magpakalat ng haka-haka at agad na humusga habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
”May we remain faithful to the Ignatian call to be men and women for and with others... May this incident not become another moment that we simply witness and move past, but an opportunity for us to reflect on how we can collectively create a community where every student feels safe, heard, and valued,” saad sa pahayag.
Kasabay nito, patuloy ang panawagan ng ECA para sa mga serbisyong pansuporta sa mga estudyante, mas ligtas na kapaligiran sa paaralan, at mga hakbang na tutugon sa mga usaping nakaaapekto sa kanilang kaligtasan.
Kasalukuyan pa ring nagpapatuloy ang imbestigasyon at pakikipag-ugnayan ng pamantasan upang kumpirmahin ang bilang ng mga nasugatan at iba pang pinsalang dulot ng insidente.
Hinimok din ng pamantasan ang publiko na huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon, larawan, at bidyo kaugnay ng insidente upang maiwasang makapagdulot ng karagdagang pinsala sa mga apektado at hindi maantala ang isinasagawang imbestigasyon.

.png)
.png)
.png)
-13.png)
.png)
.png)
-12.png)
-11.png)
-10.png)
.png)




.png)
-9.png)
.png)