Hi mga bakla, mga ally, at mga pa-ally pero medyo questionable, meet the homophobes! Halika’t kilalanin natin sila!

Alam mo ‘yung Pelepens—sobrang pa-progressive, pero hanggang “supportive” lang ‘pag convenient. May drag queens sa primetime TV, may gay icons sa billboard, at walang iba kundi si meme Vice Ganda, pero ‘pag usapan na ang SOGIE… dedma! (De Guzman, 2023)

Kasi nga, kahit mataas daw ang social acceptance natin sa LGBT community, may asterisk ‘yan, bes! Salpukan ng isip-alipin at takot sa impiyerno. Ayern, lumabas ang love na may terms and conditions. In other words, okay lang maging bakla, basta ‘wag mong ipilit ang karapatan mo, ha? (Abanto, 2024; Ildefonso, 2023; Bagas, 2013)

Aughraytt, at dahil diyan, kikilatisin na natin ang iba’t ibang types ng homophobes. HANDA NA BA KAYO? I-KMJS NA YAN! Kasi charot lang ‘to… pero may kurot!

So sino talaga ang mga tunay na salot ng lipunan?

  1. STTA: Santa-san-“tita” (“Masusunog ka sa impyerno!)

Santa-santahan daw si mother dearest pero alagad talaga siya ni satanas! Lagi siyang makikita sa simbahan, pero ang asal, hindi naman kabanal-banal. Ngunit, Todo “AMEN!” sa mga homily tungkol sa pagmamahal sa kapwa, pero kapag pagmamahal sa mga LGBTQ+ masukasuka si accla!?  Ito pa, ang chika ay, hindi siya magdadalawang-isip ipasok ang anak niya sa conversion therapy kapag nagpapakita ng pagkamalambot ang bata!

Homophobic Level:  ★ ★ ★ ★ ★

  1. SCIS: Science-sist!? (“Walang gene ang kabaklaan”)

Ang nagmamagaling na homophobe na naniniwala na hindi “scientific” ang pagiging bading at hindi normal ang pagmamahal ng magkasing-kasarian. Para bang may Doctorate siya sa Anti-Homosexuality with Specialization in Lifestyle Critique.  May pruweba daw mula sa mga pananaliksik na may saltik talaga ang mga bading!! Siya din naman ang mabilis maniwala sa mga AI generated videos at fake news, so sino talaga ang may saltik?  

Homophobic Level:  ★ ★ ★ ★ ★

  1. KRMA: Kara-Mia (“Support ko naman kayo, pero…”)

Si cloutchaser na binibida ang kaniyang mga kaibigang bading sa IG stories, over sa rainbow tuwing pride month, pero mala-armed forces maka-defend ng mga kaibigang (minsan boyfriend)  homophobic.  Dalawa ang mukha ni accla. “Super support!!!”  pero naniniwala na pinipili ang pagiging LGBTQ+. Hindi na raw kailangan ng SOGIE bill kasi masyadong nang maraming rights ang mga bading?  Medj nakakalito, ‘nak?!

Homophobic Level:  ★ ☆ ☆ ☆ ☆

  1. GGGS: Greatest Showman (“Straight ako, bro. Wala akong gusto sa lalaki, promise.)

Galit sa mga bading pero, guess what?? Siya rin pala ‘yon! Aura ka nang aura ng straightness, pero the category is… Closet Couture! Hindi maka-out, kaya lahat ng galit niya, ipino-project sa mga openly gay. Straight daw siya. Push mo ‘yang denial mo, ‘teh! A classic case of internalized homophobia—high concealment, high internalized stigma, high cholesterol ng denial! Or

Homophobic Level: ★ ★ ★ ★ ☆

  1. MKLD: Mas-cool-ado! (“Pass sa halata! OA!”)

‘Yung masc gay na allergic sa ka-femme-an. Laging “pass sa halata,” kasi feeling niya pagiging discreet = pagiging superior. Eh kung ikaw i-pass ko sa salamin? Cool sa labas, pero deep inside, puno ng internalized homophobia. Mas cool daw pag discreet? No, girl! That’s just patriarchy doing drag. Lakas makairap ‘pag nakita kang naka full on glam! Sarap tusukin ang mata mo, beh! Na para bang may visa ban sa kilay at crop top. Femmephobic yarn? The alpha energy is not giving.. (Hoskin et al., 2023)

Homophobic Level: ★ ★ ☆ ☆ ☆

  1. DFST: Default Settings Only (“Hindi ka pa kasi nakakatikim ng ****”)

Straight daw, pero ba’t ang invested? Laging may opinyon kahit hindi naman tinatanong. Sawsawera ka, teh? Straight ka nga, pero the energy is curious, ganern. Pa-moral values ka diyan, pero ‘yung utak mo, 2005 pa rin. Update ka naman, besh! Relax ka lang, kuya. Hindi ka namin type, promise. Hindi lahat ng bakla may crush sa’yo! Feeling!

Homophobic Level: ★ ★ ★ ☆ ☆

“SALOT SA LIPUNAN!”

Sigaw ng mga homophobe na ginagamit ang siyensya at relihiyon para idiin pa ang kadiliman ng kanilang mga budhi na puno ng galit at poot. Ang iba sa kanila, naniniwala na masyadong marami nang karapatan at kalayaan ang mga bading (na para bang paramihan tayo ng karapatan?!). Ang iba naman ay punong-puno lang sa sarili nila at walang pakialam sa pinagdaraanan ng iba.

Pero teka…hindi ba SALOT BEHAVIOR ang pagtatakwil o pang-aabuso sa isang anak o kapatid? Hindi ba SUPER SALOT BEHAVIOR ang sapilitang pagpapalit ng kasarian at pagkakakilanlan ng isang tao? At hindi ba ULTRA SALOT BEHAVIOR ang pagpapahirap sa buhay ng mga kabataang Pilipino na LGBTQ+ sa punto na 65% sa kanila ay iniisip nalang na magpakamatay (Trevor Project, 2024)? Hindi ba SUPER ULTRA MEGA SALOT BEHAVIOR ang pagpigil sa isang batas na layon sanang protektahan ang pagkakakilanlan at kasarian ng sinuman laban sa diskriminasyon at kaharasan?

Sinetch itey ang totoong salot ng lipunan?  Ang mga umaarangkada para sa kaunlaran at pantay-pantay na karapatan o ang mapang-api at walang pagmamahal sa kapwa?

Sanggunian

Abanto, R. (2024, October 28). SWS: 8 in 10 agree gays, lesbians “trustworthy” as any other Filipino | ABS-CBN News. ABS-CBN. https://www.abs-cbn.com/news/07/05/23/sws-majority-of-filipinos-see-gays-lesbians-trustworthy

Bagas, J. (2013, June 27). Sham tolerance of LGBTs in PH. INQUIRER.net. https://opinion.inquirer.net/55341/sham-tolerance-of-lgbts-in-ph

De Guzman, C. (2023, June 30). Southeast Asia’s most Gay-Friendly country still has no law against LGBT discrimination. TIME. https://time.com/6290762/philippines-pride-lgbt-discrimination-sogie-equality-bill/

Hoskin, R. A., Blair, K. L., & Holmberg, D. (2023). Femmephobia is a uniquely powerful predictor of Anti-Gay behavior. Archives of Sexual Behavior, 53(1), 127–140. https://doi.org/10.1007/s10508-023-02704-5

Ildefonso, T.M. (2023). From Asog to Bakla: Genealogical Analysis of the Philippine History to Diagnose the Roots of Homophobia. 5. 213–238.

Liu, F., Ye, Z., Chui, H., & Chong, E. S. (2022). Effect of perceived public stigma on internalized homophobia, anticipated stigma, shame, and guilt: Outness as a moderator. Asian Journal of Social Psychology, 26(2), 187–198. https://doi.org/10.1111/ajsp.12552

Mga Kamakailang Istorya