.png)
Pinahihintulutan nang tumakbo sa Special Elections ang mga kandidatong natalo sa pamamagitan ng abstention, ayon sa 2026 Revised Electoral Code na inilabas ng Ateneo Commission on Elections (COMELEC) nitong Miyerkules, ika-4 ng Pebrero.
Batay sa Artikulo IV, Seksyon 3.3 ng 2026 Revised Electoral Code, ang kandidato na matatalo dahil sa abstention ay hindi madidiskuwalipika sa muling paghahain ng kandidatura sa isang kasunod na Special Election para sa parehong posisyon.
Nilalayon ng probisyon na tugunan ang mga kakulangan noong nagdaang General Elections na ani ng COMELEC sa inilabas nitong memorandum kahapon ay sumasalamin sa pagiging outdated ng 2024 na bersyon ng Electoral Code.
Kabilang din sa mga pagbabagong ipinatupad ng COMELEC kaugnay ng pormal na pagbubukas ng election season ang mas maagang pagtatapos ng election period, na itatakda na ngayon sa labinlimang (15) araw matapos ang araw ng botohan.
Ipinahayag ni COMELEC Commissioner for Secretariat Kenneth Gonzales na tinitimbang ng naturang pagbabago ang pagkilala sa karapatan ng mga botante na pumili sa mga kuwalipikadong kandidato nang hindi nililimitahan ang karapatan ng mga botante na mag-abstain.
“I would personally argue that the most substantial and significant change [in the Electoral Code] would be allowing people who lost to abstention to run again for the subsequent elections,” paglilinaw ni Gonzales sa kaniyang ulat sa Matanglawin at The GUIDON.
Noong nakaraang 2025 Sanggunian General Elections, nakatanggap ang Ateneo Student Judicial Court (SJC) ng consolidated petition hinggil sa pagsusuri ng constitutionality ng Artikulo X, Seksiyon 3.2 ng 2024 Electoral Code, na nagtatakda ng mekanismo upang ang mga natalo sa abstain ay hindi na maging kuwalipikadong tumakbo sa Special Elections bilang paraan na matiyak ang paggalang sa karapatan ng mga mag-aaral na mag-abstain, habang sinisiguro na hindi ipinagwawalang-bahala ang karapatan ng mga mag-aaral.
Mga Pagbabago sa 2026 General Elections
Bagaman inaprubahan ng SJC ang agarang mosyon ng COMELEC para sa rebisyon ng Electoral Code, tinanggihan ng korte ang ilang partikular na probisyong natagpuang sumasalungat sa mga umiiral na prinsipyo ng batas sa halalan, lalo’t higit, sa batas ng Sanggunian at ng Pilipinas.
Ilan sa binibigyang-diin ng naaprubahang rebisyon ang saklaw ng pananagutan ng mga kandidato sa mga paglabag na ginagawa ng kanilang mga taga-suporta. Mananagot lamang ang isang kandidato kung mapapatunayang ang mga paglabag ay may pahintulot, may kaalaman, o bunga ng kanilang kapabayaan, at dapat mapatunayan sa pamamagitan ng mas matibay na ebidensya.
Itinakda naman ang pangangailangan ng pinal na hatol sa mga kasong may kinalaman sa major disciplinary offenses bago madiskuwalipika ang isang kandidato. Dahil dito, hindi na awtomatikong makahahadlang sa kandidatura ang pagkakaroon ng mga nakabinbing kaso.
Naglabas din ang COMELEC ng mas malinaw na gabay para sa buong proseso ng electoral complaints kung saan binibigyang-linaw ang pagkakaiba ng inquiries, complaints, at protests. Kasamang pinagtitibay ng Revised Electoral Code ang isang hiwalay na artikulo na nagtatakda ng pormal na mga patakaran sa pagsasagawa ng plebisito, kabilang ang maagang paglalathala ng mga panukala at ang pagsasagawa nito kasabay ng halalan.
Kaakibat nito, ilang paglabag sa electoral procedure aang pinalitan ng pangalan para linawin ang legal na kahulugan nito at maihanay sa umiiral na jurisprudence, sa Omnibus Election Code of the Philippines, at sa Revised Penal Code.
Basahin ang buong kopya ng 2026 Revised Electoral Code dito: bit.ly/2026RevisedElectoralCode

-3.png)
.png)
.png)
(1).png)
.png)


.jpg)






-2(1).png)

.png)