-9.png)
Kabilang ang isang lider-estudyante at isang community journalist sa 19 na pinaslang sa isang insidente sa Toboso, Negros Occidental noong Linggo, ika-19 ng Abril.
Kinilala ang mga biktima bilang sina Alyssa Alano, Education and Research Councilor ng UP Diliman University Student Council (USC), at RJ Nichole Ledesma, regional director ng Altermidya sa Negros Island, na nasawi sa gitna ng isang operasyon ng mga militar sa lugar.
Ayon sa inilabas na pahayag ng USC kahapon, nag-ugat ang naturang insidente sa “walang habas na pagpapaulan ng bala” ng 79th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Barangay Salamanca, dahilan upang lumikas ang mahigit 600 na indibidwal.
Kapuwang nasawi sina Alano at Ledesma habang nakikipamuhay at nananaliksik sa mga magsasaka sa lokal na komunidad ng Negros.
Ayon sa mga ulat, kasalukuyang pinag-aaralan ni Alano ang pangangamkam ng lupa at militarisasyon na kinahaharap ng pesante, samantalang si Ledesma naman ay nagsasagawa ng pag-uulat kaugnay sa epekto ng renewable energy projects sa parehas na komunidad.
Patuloy na militarisasyon sa Negros
Mariing kinondena ng konseho ang isinagawang pagpatay sa isa sa mga iskolar ng bayan nito, na anila ay isang inosenteng sibilyan.
“Lubos ding tinututulan ng UP Diliman USC ang karumal-dumal at paulit-ulit na paglabag ng reaksyunaryong gobyerno at ng kanilang mga mersenaryo sa karapatang pantao ng mamamayan ng Negros,” dagdag pa nito.
Idiniin din ng konseho ang pagtatakda ng gobyerno sa lalawigan bilang “State of Lawless Violence” sa bisa ng Memorandum Order 32.
Nakapaloob sa naturang batas ang pagtatangka ng estado na sugpuin ang umano’y sunod-sunod na karahasan sa mga lalawigan ng Negros Occidental at Oriental, Samar, at Bicol Region sa pamamagitan ng pinalawak na presensya at operasyong militar.
Ibinunyag naman ng Altermidya, sa hiwalay na pahayag, ang matagal nang talamak na red-tagging at pagmamalupit na dinaranas ng Paghimutad-Negros, ang publikasyon na kinasasangkutan ni Ledesma.
Naunang inulat ng Philippine Army noong Lunes na may nangyaring sagupaan sa pagitan ng AFP at ng 19 na indibidwal na inilarawan nila bilang “hinihinalang miyembro ng New People’s Army” sa lugar.
Nagbahagi naman ng pakikiramay ang sangka-estudyantehan, kasama ang mga mamamahayag at iba’t ibang sektor, na kolektibong naniningil ng katarungan sa sinapit ng dalawa.
Magkakasa ng indignation rally at vigil protest ang komunidad ng Unibersidad ng Pilipinas mamaya, ganap na 5:00 N.H., sa Palma Hall upang ipanawagan ang agarang pagpapatigil sa militarisasyon sa kanayunan.

-7.png)
.png)
-6.png)

-5(1).png)
-4.png)
-3(1).png)
.png)
-3.png)




-8(1).png)
-7.png)
-6.png)