Ako si Cara, isang mag-aaral ng AB Communication sa Ateneo de Manila. Nais kong maging propesyonal na manunulat, maging ng mga artikulo man o iskrip; kaya naman sa kasalukuyan, ang aking pinag-aaralan ay produksyon ng mga pelikula at peryodismo. Dalawang taon na akong miyembro ng Sulatin at Saliksikan ng Matanglawin Ateneo. Kadalasan, mga lathalain ang aking sinusulat para sa publikasyon. Sumali ako sa Matanglawin dahil naniniwala ako na bahagi ng pagiging manunulat ang pagiging tanglaw, pati ang pagtindig para sa kapwa, para sa komunidad, at para sa bayan.