
Nananahimik ang damdamin ko sa sulok ng kwarto,
Bigla kang dumating, “Hello!,” pag-aalangang sambit mo,
Sa pag-ikot ng mundo, sa bilis ng takbo
Biruin mo ‘yon, nagkatagpo pa tayo?
Doon nagsimula ang araw-araw na usapan,
Hindi maubusan ng paksa, tulog lamang ang tahan,
Pakilala mo’y heto ka at heto naman ako,
Nakangiti tayong dalawa habang parehong nagkukwento.
Subalit sa hangganan ng bawat usapan,
Madarama ang bakas ng kalituhan.
Makita ka man kinabukasan,
Batid kong hindi natin ito pag-uusapan.
Katulad ng paborito mong ‘Estranghero’ ng Cup of Joe,
Batid kong alam mo ang nadarama ko,
‘Yun nga lang, wala sa atin ang nais tyumempo,
Ngunit, okay lang — masaya ka at ganoon din naman ako.
Pero, sa lipunang bingi sa tibok ng puso,
Mapanghusga sa estado ng tao,
At lubos na malisyoso,
Ano ba tayo?