Nakapagparinig ka na ba sa crush, jowa, o sa isang kaibigan mo na sana makatanggap ng bulaklak ngayong panahon na naman ng Valentines in August?
Handa ka na bang mag-flex at i-post ang iyong natanggap na bulaklak sa Instagram at Facebook stories na may background music na tatlumpung minuto mong pinili dahil hindi ka sigurado kung mas maganda bang instrumental nalang ang gamitin para mas “lowkey?”
Pero bago pa man natin tuluyang masaksihan ang kilig na hatid ng Valentines in August, sagutin muna natin ang kontrobersyal na tanong:
Valentines?!? In August?!?? Pero September na?!? HFDHGHFKLJGSJ
Mahigit tatlong dekada nang tradisyon ang paglulunsad ng Valentines in August (VIA) na nagmula sa isang thesis ng mga mag-aaral mula sa AB Economics. Layon ng VIA na lumikha ng artipisyal na demand para sa mga bulaklak tuwing Agosto, isang buwan na karaniwang matumal ang benta ng mga bulaklak.
Para kay Zylver Bautista (4 AB EC), Presidente ng Ateneo Economics Association AEA), ang organisasyong naglulunsad ng VIA, mahalagang parte ng kulturang Atenista ang VIA lalo na sa dala nitong positibong simula sa bawat taong panuruan na l naghahatid ng kasiyahan at pagmamahalan sa buong pamantasan.
SUPPLY AND DEMAND??
Ipinapakita rin ng VIA ang aplikasyon ng mga konsepto ng ekonomiks tulad ng supply and demand sa isang konkreto at mauunawaang konteksto. Nagbibigay umano ang VIA ng platform *PLATFORM?!* upang talakayin kung paano naaapektuhan ng paggawa ng artipisyal na demand ang dynamics o paggalaw ng merkado.
Nagsisilbi ring avenue *AVENUE?!* ang VIA upang itaguyod ang kamalayan sa ekonomiya at mapaunawa sa mga Atenista ang malawak na implikasyon ng mga konsepto sa economics gaya na lamang ng pagmamanipula ng supply at demand lalo na sa konteksto ng pananalasa ng mga kalamidad at krisis sa sektor ng agrikultura. Mahalaga umano ito sa pagtugon sa mahahalagang isyu sa lipunan, tulad ng inflation at economic resilience.
Beautiful Flowers with a Heart: #VIAwurtzbach
Higit pa sa hatid nitong kulay at kilig, bilang isang fundraiser project, layon din ng VIA na makatulong sa kanilang mga partner communities. Ayon kay Zylver, ginagamit ang kinikita ng AEA mula sa pagbebenta ng mga bulaklak sa kanilang kaganapan upang maisakatuparan ang kanilang isinasagawang mga outreach programs tulad ng pagtuturo ng financial literacy sa mga batang estudyante sa elementarya.
Gayunpaman, madalas nilang inaangkop ang tulong na ibinibigay batay sa pangangailangan ng komunidad o sa konteksto at kalagayan ng kanilang partner communities. Taon-taon, nag-iiba ang mga partner communities ng AEA dahil sila ay kinokonekta ng Office for Social Concern and Involvement (OSCI) sa iba’t ibang sektor.
Tunay ngang Valentines is in the air tuwing Agosto – na kahit minsan ay umaabot pa sa Setyembre tulad ngayong taon — dahil laganap ang aliw at pagmamahalan ng bawat isa. Makikita ang pagmamahalang ito hindi lamang sa loob ng Ateneo, kundi umaabot rin at patuloy na umaabot sa mga komunidad at sektor na pinagsisilbihan sa labas ng pamantasan.
Kaya ano pang hinihintay mo? Suportahan na ang Valentines in August: 2024 Wonderland! Bisitahin ang kanilang Facebook page! Aba, malay mo, na-feature ka na ‘don! At kung hindi man nakatanggap ng bulaklak ngayong taon, huwag mag-alala, dahil may susunod pa namang Pebrero at AGOSTO. Tiyak na babalutin na naman ng aliw at kilig ang pamantasan ng Ateneo.
Facebook Page Link: https://www.facebook.com/ValentinesInAugust