Hapag ay umaapaw sa Noche Buena

Puno ang lamesa, buo ang pamilya

Mainit na lechon, matamis na hamon

Bakas ang kasiyahan sa pagtitipon

Sa kasaganahan ay may kakulangan

Walang makain dahil salat at maralita

Sa buról, walang sisidlan ang ligaya

Ilog nama’y tinakasan ng pag-asa

Nakatataas ay siyang nagdiriwang

Malaya sa tanikala ng salapi

Habang pobre ay sadlak sa kahirapan 

Sa pasko’y walang karapatang magbunyi

Hapag ay hindi handa sa Noche Buena

Walang lamang mesa, kulang ang pamilya

Malamig na hangin, kumakalam na sikmura

Pasko’y ‘di kasiyahan bagkus magsisilbing politikal na paalala

Mga Kamakailang Istorya