Si Calixto Del Rosario III ay isang masigasig na mamamahayag at tagapag-ambag sa larangan ng media at komunikasyon. Kasalukuyang nag-aaral sa Ateneo de Manila University bilang isang mag-aaral sa kursong BS Management Engineering (Honors Program), ipinapakita niya ang kanyang husay sa pagsusulat at pamamahala sa iba’t ibang organisasyon kinabibilangan niya. Sa Matanglawin Ateneo, nagsimula siya bilang manunulat at mamamahayag at kalaunan ay naging Patnugot ng Sulatin at Saliksikan kung saan pinamunuan niya ang halos 50 na mag-aaral-mamamahayag para sa mga buwanan at semestral na produksyon.