Sa isang pagdinig sa senado noong Enero 11, 2021 tungkol sa planong malawakang pagbabakuna ng gobyerno, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na inaasahan niyang magsimula ang programa bago pa man matapos ang Pebrero. Aniya, mahigit 50,000 doses ng bakuna ang unang dadating sa Pebrero 20. Bagaman mayroon nang inaasahang bilang ng mga bakuna, hindi ibinunyag ni Galvez kung ano ang tatak nito.