Kamakailan lamang ay naganap ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections 2023, kung saan 1.41 milyong tao ang tumakbo para sa 42,001 posisyon bilang kapitan ng barangay at pangulo ng Sangguniang Kabataan at 294,007 posisyon bilang kagawad sa Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan. Subalit sa kabila ng matagumpay na pagdaraos ng nasabing halalan, samu’t saring anomalya ang lumutang bago pa man magsimula ang pangangampanya. Tunay ngang patuloy na lumaganap ang paggamit ng pekeng balita o fake news, mga disimpormasyon, at ang tahasang pang-mamanipula ng ilan sa mga naghahangad na “maglingkod” para sa mga mamamayan.