Tulad ng isang ranked match sa ML, ang enlistment sa Arteneo ay nangangailangan ng diskarte, bilis, at kaunting swerte.

Alam mo ‘yung enlistment system sa AYSUS? ‘Yung tipong alas-sais pa lang ng umaga, nakahanda ka na sa harap ng laptop mo, may listahan ka ng prio classes mo na naka-open, at handa ka nang makipagsabayan sa libu-libong estudyante para lang makuha ‘yung iisang 3-unit na subject? Pero kahit anong pilit mo, “Loading... Please wait” lang ang bumungad sa’yo, tapos pagbalik mo, boom! Wala ka nang slot.

Ganun din sa drafting phase ng Enlistment Legends. Kahit anong strategy mo, kung ang system mismo ang may problema, wala ka ring laban.

Kunwari, Batch 1 ka sa enlistment—ikaw ang first pick! Panalo, ‘di ba? Pero teka, naglalag ka. Nagka-bug sa screen, at bago mo pa ma-lock-in si Ling, nakuha na siya ng kalaban. Ikaw ngayon napilitang gumamit ng hero na hindi mo alam—parang noong akala mong nakuha mo ‘yung EnviSci pero nawala slot mo at natira na lang sayo ay Chemistry para sa NatSci Elective.

Sige, ikaw naman second pick. Pero tulad ng Batch 2 sa enlistment, lahat ng matinong slot, ubos na! Walang tank, walang support, at ikaw pa ‘yung mapipilitang mag-adjust. At syempre, hindi pwedeng mawala ang ultimate kalaban ng lahat—lag. Sa enlistment kapag sobrang bagal ng system, kahit may 1 Gbps internet ka, talo ka pa rin. Sa ML naman, kahit anong ganda ng drafting mo, kapag biglang “Reconnecting...” ang lumabas sa gitna ng laro, GG na. Tulad ng mga department na nagsabing “Don’t worry, we will open more slots!” pero mauunahan ka pa rin.

Hindi sapat ang pagiging mabilis—dapat may backup plan ka, tibay ng loob, at saktong dasal. Kasi minsan, kahit anong diskarte mo, talo ka pa rin sa bagal ng sistema!

Fighter
Ultimate (Magis Will): Immune sa AYSUS lag at server crashes—habang lahat nagloading pa, sila tapos na mag-enlist at naka-breakfast na

“Nagi-struggle kayo mag-enlist? Di ko feel.” 

Sila ‘yung mga blessed ng ultra-high speed internet na parang may sariling satellite sa bahay. Hindi lang isang device ang nakabukas. Pati iPad, phone, laptop, at TV ng kapitbahay, naka-login sa AISIS. Habang ikaw todo dasal na “please Lord, wag magcrash,” sila? Smooth pa rin. Can’t relate sila sa "Reconnecting..." o "Error 504."

Sa enlistment battlefield, sila ‘yung steady sa top lane. Tuloy-tuloy lang ang basag ng tore habang ang ibang tropa, todo panic na at naghahanap ng slot kahit saan.

Assassin (Fast Clicker)
Ultimate (Final Flight): Ang Atenista na parang speedrun master—bago pa makita ng iba ang subject, auto-locked na niya. Hindi mo na alam kung tao pa siya o bot.

"Wala na agad ‘yung slot?! Sino kumuha?!" – isang inosenteng estudyanteng hindi pa aware sa Assassin meta.

Sila ‘yung tipong akala mo hacker sa bilis mag-enlist. Hindi mo pa nakikita yung subject sa screen mo, sila enrolled na. Para silang may sariling shortcut key sa AISIS. Minsan nga hindi mo na nakita kung anong nangyari. Basta alam mo na lang, GG ka na.

Mga silent player sila. Konting click pero deadly pag nag-last hit. Wag ka magkamaling makampante. Baka sa isang iglap, ikaw na lang ang walang sched.

Support (Feeder)
Ultimate (Divine Intervention): Wala nang natirang matinong subject? Nagdadasal na lang na may mag-drop o may hidden “miracle slots” na lilitaw sa AYSUS. Amen.

“Sorry, guys. Lag”

Sila ‘yung mga sacrificial lamb tuwing enlistment. Habang nagkakasundo ang Fighters at Assassins sa dream schedule nila, sila naman stuck sa natirang  8PM classes, 3-hour breaks, TBA profs (Tindi, Bakit Ang malas ko?) at mga prof na may bad reviews sa Profs to Pick. 

Pag-asa nila? Drop System Gods at AISIS Bugs na nagri-refresh ng slots sa di inaasahang oras.

Sa laro ng enlistment, sila yung naiwan sa base habang lahat ng kakampi busy na sa clash. Sa huli? Wala na silang maabot na tore. Laging 0-7, pero buo pa rin ang loob. Kasi minsan, kahit feeder ka sa umpisa, pwede ka pa ring umasa sa milagro ng FFA.

Tulad ng tunay na ML na nag-hohost ng milyon-milyong players nang walang crash, may pagkakataon pa ring naglalag ang laro. Bakit ang AYSUS ay bumibigay sa ilang libong estudyante lang? Panahon na para i-upgrade ang server capacity, maglagay ng fair queueing system, at i-optimize ang user interface para hindi na ito maging mas mabagal pa sa isang 200ms ping. Dapat din ay magkaroon ng real-time updates at mas maayos na ugnayan sa komunidad, kasi mas mabilis pa minsan ang ML devs maglabas ng patch notes kaysa sa admin na magbigay ng status report. At higit sa lahat, kailangang may backup enlistment options—kasi sa isang system na sadyang lag at puno ng bugs, laging may naiiwang walang matinong subject. Sa huli, hindi dapat ang students ang nag-a-adjust sa palpak na sistema—oras na para ang enlistment system mismo ang ayusin. GG na ba o lag pa rin?

Huwag tayong magturuan ng sisi—ang tunay na problema ay ang enlistment system mismo. Oras na para i-revamp ang system—kasi kung hindi, paulit-ulit lang ang struggle every semester.

Pero victory nga ba talaga?

Ilang oras kang naghintay, ilang beses mong ni-refresh, at ilang dasal ang binitawan mo para lang makuha ang isang matinong schedule. Ubusan ng slot, system lag, at stress na parang ranked game na puro troll ang kakampi. At kahit nakuha mo na ‘yung gusto mo, sulit ba talaga ang lahat ng hirap at sakripisyo?

Ganito na lang ba palagi? Ganito na lang ba talaga ang enlistment system?

Ano, handa ka na ba sa susunod na enlistment? O oras na para i-ban na ang tunay na problema?

Mga Kamakailang Istorya