“Lights, kamera, aksyon!” ang sigaw ng direktor sa isang set ng pelikula. Ang proseso ng paglikha ng isang pelikula o teleserye ay mahaba at nangangailangan ng malikhaing mata upang makapagpasaya at makapagpaaliw sa mga manonood at madalas naman, nagtatagumpay sila dito. Dahil sa katanyagan ng mga pelikula at teleserye sa buhay natin, nasasanay tayo sa mga iba’t-ibang makikinis at mapuputing mga tagapagganap. Napapamahal na sa atin ang mga nakikitang mukha sa telebisyon o sinehan. Kung may promotion naman ang artista na yun para sa bago nilang proyekto, todo naman ang pagtangkilik natin sa kanila. Paano naman kung isang araw, makikita mo na lang na nakabalandara ang mukha nila sa labas kung saan-saan, ngunit hindi na proyekto ang gusto nilang tangkilikin natin, kung hindi ang pagtakbo na nila sa gobyerno?