Sa pagitan ng dalawang tahanan, may gurong araw-araw na tumatawid sa pagitan ng pagiging una at ikalawang ina. Ngayong Pandaigdigang Araw ng mga Guro, silipin ang isang araw ni Professor Annelle Sabanal, PhD, guro sa Teolohiya, sa kasagsagan ng bagyo, late suspensions, at alternative learning modality na humuhubog sa araw-araw na buhay ng kaguruan noong Agosto 2026. Sa sandamakmak na kabataang umaasa sa pagtanglaw ng kaguruan tulad ni Sabanal, sino ang maninigurong may sapat na oras, pahinga, at suportang kailangan upang hindi sila tuluyang mapundi sa sistemang dapat sana’y umaalalay sa kanila?