Sa kasaysayan ng Pilipinas, walang iba kung hindi ang mga katutubong Pilipino ang lumaban sa mga Kastilang manlulupig. Nag-alay sila ng dugo para protektahan ang sariling atin. Ilang daang taon ang nakalilipas, malaki na ang ipinagbago ng bansa. Mula sa malalaking minahan at agrikorporasyon hanggang sa paraan ng pamumuhay, maraming aspekto sa buhay ng katutubo ang nagbago sa pagdaan ng panahon. Ngunit sa kabila ng lahat, patuloy pa rin ang mga katutubo sa pagpepreserba sa kayamanan, kultura at tradisyon ng Pilipinas.