Hindi na bago sa atin ang ideya ng pagbabase sa metro ng babayaran sa bawat biyaheng nilalakbay patungo sa iba’t ibang destinasyon. Madali lamang intindihin ang konsepto: ang bawat kilometrong nalakbay ay may katumbas na presyong dapat bayaran. Kung titingnan ang mga nakaraang kaganapan sa simula ng termino ng bagong halal na presidente ng ating bansa, tila ba ito rin ang kaniyang ginagamit na estratehiya sa kaniyang pagkilos at pagtatrabaho bilang pinuno ng bansa—kailangan nating bayaran ang layo at bilis ng ating biyahe.