“‘Pag si Jesus may birthday bawal? ‘Pag ikaw pwede?”Alinsunod sa anunsyo ng Presidente na ipinagbabawal ang malakihang pagdiriwang, at ang pagtataas muli ng mga general community quarantine (GCQ) sa ilang lugar sa Luzon, lumaganap ang linyahang nabanggit. Una itong pumukaw pansin sa facebook bilang isang meme, kung saan nakaedit ang litrato ni PNP chief Debold Sinas noong kumalat ang litrato ng selebrasyon ng kanyang kaarawan sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ). Sa kabila ng kababawan nito at nang ipinaglalabang katuwiran ng paglulunsad ng handaan tuwing Pasko, sinisimbolo nito ang mababaw na dagat na pilit binabaybay ng administrasyong patuloy na nilulunod ng sarili nilang kahangalan.