Ngayong Oktubre inilulunsad ang Buwan ng Katutubong Pilipino ayon sa kasalukuyang konstitusyon na inilatag para sa pagdiriwang ng kultura at karapatan ng mga katutubong Pilipino sa bansa. Ang tema ngayon, ayon sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA sa akronim nito sa Ingles), ay “Katutubong Filipino, Atin ang Tagumpay!” na inilalaan ang mga subok, tiyaga, at lakas ng mga katutubong Pilipino sa harap ng kahirapan at kapighatian. Nagpalabas ang NCCA ng mga birtwal na kaganapang dinidiin ang tagumpay ng mga katutubong Pilipino sa daloy ng kasaysayan. Ngunit, sa likod ng mga biyaya at ngiti sa pagdiriwang, may lumilitaw na kalansay.