Si Jennery Velasco ay isang mag-aaral sa ilalim ng kursong AB Psychology sa Pamantasan ng Ateneo de Manila. Siya ay miyembro ng Matanglawin magmula taong 2022, sa ilalim ng Bagwisang Social Media. Bilang estudyanteng mamamahayag mula pa noong elementarya, patuloy siyang hinuhubog ng kanyang karanasan sa pagsusulat ng balita at lathalain tungo sa pagiging mas mapanuri sa paghayag ng katotohanan, kaakibat ang layuning makapagbigay-liwanag sa mahahalagang usapin at mapaigting ang boses ng masa.