Nitong ika-5 ng Oktubre 2023, inaresto ang drag artist na si Pura Luka Vega sa kanyang tahanan sa Maynila matapos ang kontrobersiyal na pagganap sa ‘Ama Namin’ remixed version noong Hulyo. Naganap ito matapos ang mga banta ng kamatayan, pahayag mula sa mga Obispo at mga Kristiyanong grupo tulad ng Philippines for Jesus Movement (PJM) at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), at deklarasyon ng Persona Non Grata mula sa iba't ibang pamahalaang lungsod. Sinundan din ito ng banta mula kina Senate President Miguel Zubiri, Senate Majority Leader Joel Villanueva, at Senator Win Gatchalian kung saan kanilang inilabas ang pagkagalit sa pagganap ni Pura na sumayaw at kumanta habang naka-drag sa imahe ni Hesus.