Hindi bago sa pandinig ng karamihan, lalo na sa mga Atenista ang hamon ng Down from the Hill o ang pagbaba mula sa burol. Halaw ito mula sa kantang Mary for You, ang school hymn ng Ateneo de Manila, na isa sa mga paglalarawang inaasahan ng unibersidad na gawin ng mga mag-aaral nito makatapos grumadweyt. Pinapaalala nito ang gampanin ng mga Atenista na magbalik-loob sa pamamagitan ng pagbibigay at tulong sa mga nangangailangan. Isa itong pagkakatawan sa mga Ignatian values na nais idulot ng edukasyon sa paaralan, katulad ng pagiging Men and Women for and with others, cura personalis, at Magis.