I’m every woman, it’s all in me 🎶 Sa pagdiriwang ng National Women's Month, isang pambihirang pagkakataon ang inihandog ng Spaces for Women’s Art and Narratives (SWAN) art exhibit upang salaminin ang sakit, pag-asa, at pagkakaisa. Sa likod ng bawat obra, makikita ang dakilang kontribusyon ng mga kababaihan sa sining at kultura. Ating tuklasin ang makabuluhang kuwento ng mga mag-aaral, artist, at kawani ng pamantasan. Samahan natin silang ipagdiwang ang tagumpay ng kababaihan na siyang magsisilbing inspirasyon sa mga susunod na henerasyon. Abante, babae! 💪✨