“May liham si Juan! May liham si Juan!” sigaw ng mga katrabaho niya. Dali-dali niya itong binuksan. Galing daw kasi sa mga nakatataas ito. Ngunit, hala! Isang libong engagement ang kailangan dahil naka-probation siya hanggang sa makamit ito?! “Makatao pa ba iyon?” isip ni Juan. Pero wala nang panahon para mag-isip pa ng gano’n—trabaho na, sige na! Nagbukas na ito ng ChatGPT, Gemini, at Grok—malaking tulong kaya sa kanila iyon?—at agad-agad nang sinimulang mag-post sa X at Facebook.