Ateneo Admin, Umapela sa Court of Appeals Matapos Matalo sa Reklamo ng AEWU

Matalita
SULAt NI
Lance Arevada
SINING NI

UMAPELA sa Court of Appeals (CA) ang Administrasyon ng Pamantasang Ateneo de Manila matapos silang matalo at mahatulang guilty sa Order of the Voluntary Arbitration (VA) Tribunal laban sa reklamong isinampa ng Ateneo Employees and Workers Union (AEWU) sa ilegal na pagbabawas ng sahod ng mga manggagawa.

Sa isang pahayag na inilabas nitong ika-13 ng Nobyembre, iginiit ng ADMU na susundin pa rin nila ang utos ng VA na bayaran ng halagang P28.5 milyon na kompensasyon at P2.9 milyon na danyos ang mga apektadong manggagawa, habang nakahain ang kanilang petition for review sa CA.

"Thus, this effort for the truth, fairness, and justice is not yet over; and the University’s compliance with the Order of the VA is without prejudice to restitution in case its Petition is granted by the Court of Appeals," pahayag nila.

Pinaliwanag ng Administrasyon na nag-ugat ang isinampang reklamo sa pagbawi nila ng kanilang binigay na salary advance sa mga empleyado ng pamantasan noong nakabalik na ang mga ito sa full workload mula sa mga ipinatupad na quarantine restriction noong kasagsagan ng pandemya.

Ang mga naturang manggagawa, ayon sa kanila, ay inilagay noon sa "flexible work arrangement," kung saan nagkaroon ng rotational work schedule at pinayagan ang paggamit ng iba't ibang leave noong Hunyo 2020.

Noong Setyembre 2020, naubos na raw ang mga leave at nagsimulang ipatupad ang patakarang "No work, no pay." Nagkasundo raw ang HR at ang AEWU na ituring na nagtatrabaho ang mga apektadong empleyado na pumapasok sila sa linggo na wala silang nakatakdang iskedyul o napasailalim sa leave of absence (LOA). 

Sa ganitong kasunduan, nabayaran ng tatlong araw na salary advance ang mga manggagawa habang tatlong araw na LOA ang kinaltas sa kanila. Nagpatuloy raw ito hanggang matapos ang Fiscal Year 2020-2021, kung saan may bagong leave na ulit na maaaring gamitin ang mga empleyado.

Ayon pa sa ADMU, itong konsiderasyon na ito at pang-unawang mababawi nila ang mga inilabas na paunang sahod sa mga empleyado kapag nakabalik na sa normal na workload ang naging dahilan para maglabas lamang ng sample computation sa pagdinig ng tribunal.

Gayunpaman, iginiit ng VA sa kanilang hatol na kahit isang beses ay hindi kinwestiyon ng ADMU ang ipinakitang detalyadong komputasyon sa panig ng AEWU. 

"The respondent (ADMU) failed and refused to controvert the computation with the employment documents in their possession and decided not to present any document to dispute the same," pahayag nito sa inilabas na hatol.  

Bunsod nito, napagdesisyunan ng tribunal na tanggapin ang inihaing komputasyon ng AEWU batay rin sa napagpasyahan nilang nagkaroon nga ng ilegal na pagbawas sa sweldo sa panig ng mga empleyado.

IBa pang artikulo