Si Lance Arevada ang Punong Patnugot ng Matanglawin Ateneo para sa T.P. 2024-2025. Pinangunahan niya sa kanyang termino ang higit na pagpapalapit ng Matanglawin sa komunidad ng Ateneo, pagpapalawak sa pagtanglaw ng mga balita at isyu, at pagpapabuti ng sistema at istruktura ng pahayagan. Nagsilbing tanglaw siya sa pagbabalita ng mga usapin sa pamantasang Ateneo, kabilang ang Tindig Loyola, at sa pagsasagawa ng mga makabuluhang proyekto kagaya ng Tanglaw Film Showing. Tawag niya sa buhay ang magbahagi ng kwento sa makabuluhan at malikhaing paraan.