Itutuloy ng Pamantasang Ateneo de Manila ang nakatakdang plano nito ng pagsasaayos ng North Carpark sa Loyola Heights campus, kung saan nasa 62 na mga punong tinukoy na invasive species na lamang ang puputulin, sa kabila ng matinding pagtutol ng komunidad.
Sa isang memorandum nitong Lunes, ika-4 ng Marso, inanunsyo ni Fr. Roberto Yap, SJ, Pangulo ng ADMU, na tanging ang mga punong mahogany at gmelina na lamang ang puputulin sa halip na pati ang mga likas na punong apektado sa pagsasaayos ng car park.
“We shall proceed with the North Carpark Upgrade Project in order to enhance safety and improve drainage in the area. There will be modifications to the original plan so that no native trees will be cut down. The University shall adjust the design of the carpark to save trees,” saad ni Yap.
Unang inanunsyo ang kontobersyal na proyekto nitong Disyembre 2023, kung saan aabot sa 82 na puno ang dapat sanang puputulin para sa paglalagay ng mas maayos na daanan sa mga sasakyan at naglalakad at pagdaragdag ng parking slots, at iba pang pagsasaayos sa lugar.
Sa pagpuputol ng nasa 62 na puno lamang, batay sa bilang na inilahad ng administrasyon, isinaad ni Yap na gagawin ito alinsunod sa alituntunin ng Pamantasan sa sustainability at sinusuportahan ng isang plataporma ng Laudato Si’.
“Apart from providing seedlings to DENR as required by law for each tree to be removed in the parking area, the University will replace the mahogany and gmelina trees by planting native trees in the non-buildable areas of the campus,” dagdag niya.
‘Campus mobility forum, binuo’
Upang tulungan ang administrasyon na lumikha ng solusyon at estratehiya sa pagsulong ng “sustainable campus mobility,” inanunsyo rin ni Yap ang pagbuo ng Campus Mobility Forum, kung saan inatasan itong magpulong at gumawa ng program of action kasama ang mga miyembro ng komunidad.
“The forum conveners will document ideas exchanged and prepare a report outlining a vision for mobility on campus between now and 2030. The Forum will consider, among others, policies and practices that will promote innovative strategies that will improve campus mobility consistent with long-term sustainability,” sabi niya.
Inaasahan na magsasagawa ang grupong ito ng mga focus group discussion sa mga sangay ng Basic Education, Higher Education, at iba pang kaugnay na opisina sa kampus ng Loyola Heights kasama ang mga mag-aaral, guro, empleyado, alumni, magulang, drayber, komyuter, at iba pang mga indibidwal.
Hinirang ni Yap si Dr. Czarina Saloma-Akpedonu, Dekano ng SOSS, upang pamunuan ang forum at binigyan niya ang grupo ng hanggang ika-30 ng Mayo para magpasa ng kanilang ulat at rekomendasyon.
Kasama rin sa mga miyembro ng Campus Mobility Forum sina:
“With a shared hope in finding the best solutions to our campus mobility challenges, let us move forward with patience and trust as we continue to care for the well-being of our community and our shared environment,” dagdag ni Yap.
Napagdesisyunan ng Administrasyon na ituloy ang proyekto sa kabila ng pagtutol ng mga estudyante, guro, at alumni laban dito sa isang diyalogo nitong Enero.kasabay ng kanilang panawagan para sa higit na makisama sa proseso ng pagsasagawa ng desisyon sa pamantasan.
Una nang sinuspinde ng pangulo ng unibersidad ang proyekto noong ika-11 ng Enero hangga’t sapat na makonsulta pa raw ang komunidad, kung saan humingi rin siya ng paumanhin sa kawalan ng kaukulang diyalogo noong una itong inanunsyo.
Nasa higit 1,200 na mga estudyante, guro, at alumni ang naunang pumirma ng bukas na liham kay Yap nitong Disyembre na nananawagan sa pagpapatigil ng naturang proyekto at pagsasagawa ng higit pang diyalogo at pinupuna ang kontradiksyon ng proyekto sa mga hakbang ng unibersidad para sa pagsulong ng sustainability.
“Amidst the climate and transportation crisis happening in our country and all over the world, we cannot continue preaching sustainability and climate justice while we continue to undertake projects that only contribute to the worsening of the problem,” saad ng liham.