PRESS COVERAGE: Paglulunsad ng Leni For You

Matalita
NI
NINA
Marcial Fernando
AT
Agosto 28, 2021

Pormal na inilunsad ng kilusang Leni For You ang kanilang liham, “Koro, Di Solo: Isang open letter upang manawagan para sa pamumuno ni Leni Robredo sa 2022” nitong nakaraang Agosto 27. Ninanais nitong ipahayag ang kanilang paghihimok sa kasalukuyang bise presidente, Leni Robredo, na tumakbo bilang presidente sa paparating na eleksyon sa taong 2022.

Binubuo ng mga mag-aaral, guro, kawani, magulang, at alumni mula sa iba’t ibang sektor at pamantasan ng mga Paaralang Loyola ang kilusang Leni For You. Ayon sa mga tagapamahala at miyembro ng kilusan, magsisilbing makinarya ang kilusan upang maipakita ang kakayahan ni Leni bilang pinuno ng bansa. Ipinahayag ng kilusan ang kanilang patuloy na paglaban sa gitna ng pandemya.

Sa kanilang liham, inilantad ng kilusan ang mga kasalukuyang suliraning hinaharap ng bansa sa ilalim ng pamumuno ng administrasyong Duterte — mula sa pagkitil ng libu-libong buhay, pagbalewala sa karapatang pantao, at sa kapalpakan o kawalan ng mabisang pagtugon sa pandemya na nagbigay-daan sa kawalan ng trabaho, sapat na pagkain, at buhay.

Idiniin din ng kilusan ang mariing pangangailangan ng bansa ng isang pinunong marunong makinig at makapagbubuklod sa watak-watak na lipunan. Para sa kanila, si Robredo ang pinunong nakikita nilang angkop at tama para sa susunod na anim na taon.

Sa kasalukuyan, Agosto 29, 2021, nakakolekta na ang kilusan at liham ng higit-kumulang na 488 pirma mula sa iba’t ibang Pilipino.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Leni For You at para mabasa ang kanilang liham sa bise presidente, bisitahin lamang ang mga sumusunod na link:

tinyurl.com/LFYPrimer

tinyurl.com/ReadKoroDiSolo.

Litrato mula sa Leni For You

IBa pang artikulo